Saturday, June 18, 2016

After Nine Months

It was ended. After nine months of taking my anti TB meds, finally, im done with it. The first three months are so difficult, the next 6 months are so tiring. I just couldn't swallow the pill anymore. Sometimes, I am already choking with it. Those moments when I have to rush in any comfort room since I have to as a side effect of the meds, those moments that I have to pee cause it hurts not to answer the call of nature. But finally, im done. But im too scared.
Im so scared that I don't have anymore protection. That now my lungs is at its own already, without any support but my ARV. Right now I have to trust my meds, that it will protect me on the days to come. I want to be inspired by all those I knew, that up till now are surviving and living a happy and productive life. I want to pray for strength, for humility and for faith. Ive been through emotional pressure, and even spiritual too. Sometimes I forget to pray...and hoped that He will always be there for me. I have to pray more and trust more. But how can I, I am overshadowed by my weakness. And I know its not that good. I want to search for answers. I want to be better. I want to be good in His eyes.
God forgive me for I have continuously sin and forsaken you.

Monday, June 6, 2016

RITM Escapade

Maaga pa kami ng sister, mga 5:30 nung umalis sa bahay. Kailangan naming makarating ng RITM ng 7 am sabi ni kuya Tom. Sabi nya, maghihintay dun si Edz na mag aassist sakin sa unang araw ko dun. First time ko din pupunta sa bandang yun ng alabang kaya naman napag handaan ko na kung saan kami dadaan. Kahit papasok ang RITM mabilis naman naming sya nahanap. Pero by that time, napakarami na ng nakapark na sasakyan kaya halos dun na kami sa likod nakapwesto, sa may basketball court. Naupo muna kami ng sister ko sa bench at tinext ko si edz. Sabi nya naka TRR shirt daw sya. Nakita ko sya, unang impression ko agad, bata pa, pero alam kong katulad ko rin sya ng kaso. Sinamahan nya ako sa may parang registration kung saan bibigyan ako ng number at hihintayin na tawagin nila ako. Binigyan nila ako ng code. Dun ko naramdaman, umpisa na ito, saka yung orange card ng RITM. Pagkatapos nun, dun na kami sa room kung saan nagpapakonsulta yung lahat ng mga katulad ko. Pagpasok ko dun, napakadami na ng pila. Parang pang 30+ na ata ako nun. Pero new case naman ako. Kinunan ako ng vital signs, tapos kinunan ng dugo at sinabi na hintayin ang resulta after lunch. Bago yun, nainvite ako para sa isang seminar, kung saan may lectures para sa mga positive patients. May kumukuha ng litrato, ayoko sana makasama sa picture pero wala na ako magagawa. Andito na ako. Gusto ko mabuhay kaya haharapin ko ito. Pagkatapos nung seminar, kumain muna kami ng sister ko. That time, wala talaga ako panlasa pero pinipilit ko pa ring kumain. Pagkatapos ng lunch, ayun kay doctor Garcia na ako. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko. Sinabi nya na 198 na lang ang cd4 ko. Mababa na sa 300 yun, pero sabi nung mga iba, mataas pa yun compared sa kanila. Baka nga siguro dahil malakas pa naman katawan ko. Akala ko that time bibigyan na ako ng gamut pero kailangan ko pa pala magpa hepa b so kailangan ko pa bumalik. Binigyan ako ni doc ng antibiotic para sa lungs ko. Mga 2 pm pa kami naka tapos dun at dumiretso pa kami sa hometown ko kasi namatay yung tita ko. Ang saya at sarap sana ikwento sa iba ng pinagdadaanan ko pero tikom muna bibig ko. Ito daw kasi yung situation na hindi ko dapat ipaalam lalo na sa mga tao na hindi pa lubusang makakaunawa.

Nakatatlong beses pa ako bago ko nakuha ang aking ARV sa RITM. Sa totoo lang, sobrang excited na ako uminom nun. Para bang isa syang wonder drug for me. Ang hindi ko alam, kakaiba pala ang magiging epekto sa akin ng gamut na yon...