R15. Dyan nag sisimula ang code ko. Ibig sabihin, 2015 ako nagpatala sa hospital na isa akong HIV positive. People living in HIV. Isang sakit na kailan man di na mawawala sa akin. Habambuhay ko na dadalahin, unless madiskobre na ang gamot sa papatay sa virus ko sa katawan. Pero di na ako umaasa na darating ang panahon na yun. Ok na ako. Sa katunayan, mabuti na nga dahil alam ko kung saan ako magtatapos, kung ano ang ikamamatay ko. Yan ang naisip ko noon. nakakatakot isipin pero yan ang hatol sa buhay ko. Ngayon tanggap ko na, normal na ang buhay ko, may virus nga lang. tatlong taon na ako sa ARV ko, yun ang kasiguradunan ko na pwede pa ako mabuhay ng matagal, ng normal.
Noong una na nalaman ko, akala ko talaga katapusan ko na. Mabuti na lamang mabait pa rin sa akin ang Diyos, ipinakilala nya ako sa mga taong pwedeng tumulong sa akin. Kaya heto ako ngayon, mataba pa rin. Walang nakakaalam ng sakit ko maliban sa tatlong tao, o baka may napag sabihan pa silang iba, pero ok lang.
Bakit ko ba isinusulat ito. Kasi nalulungkot ako now, wala ako magawa. Minsan dinadaanan ako ng depression, pero alam ko dala lang ito ng kalagayan ko. Minsan masaya, minsan malungkot.
Pero gusto ko sabihin sa inyo na may pag asa pa ang isang tulad ko. Na hindi terminal ang HIV, na hindi agad ako mamatay. matagal, unless maaksidente ako. Kung ganun eh di ako sa AIDS namatay kundi sa aksidente. Hehehe.
Kung mahal nyo ang buhay nyo, ayusin nyo. Alamin nyo ang status nyo. Kung may nararamdaman na kayong kakaiba, lakasan nyo loob nyo, alamin nyo kung ano yan. Mabuti ng alam nyo kesa mas madami pang makakaalam kapag tinamaan na kayo ng sakit at hindi nyo na madala sarili nyo sa ospital. Ganun ang mangyayari kapag di kayo naglakas loob. Ang pagpunta ko sa clinic ang isa sa mga bagay na sobrang nakakatakot, nakakahiya at nakakawala ng ulirat, heheh, pero yun ang nagligtas sa akin. Kaya eto ako ngayon, malakas.
Ngayon na ang panahon, di bukas, di sa isang araw. Yun ang makakapagligtas sa inyo.
No comments:
Post a Comment